From the Dec 21 edition of Ang Bayan posted to the CPP Website (Dec 21): 18 sundalo, napatay sa mga opensiba ng BHB sa Panay (18soldierskilled inNPA offensives in Panay)
Labingwalong sundalo ang napatay at di bababa sa pito ang nasugatan nang matagumpay na biguin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang sunud-sunod na mga operasyong militar ng 3rd ID ng Philippine Army sa Panay noong Oktubre.
[Eighteensoldierswere killedandat leastseveninjuredwhen the New People's Army successfullydefeatedthe PhilippineArmy3rdID in successive military operations in Panayin October.]
Tinambangan ng BHB noong Oktubre 9 ang malaking pwersa ng 61st IB na naglulunsad ng operasyong pagtugis sa mga Pulang mandirigma na umambus sa militar noong Oktubre 7. Nasugatan ang dalawang sundalo nang tambangan sila ng BHB sa Sityo Malangsa, Barangay Abangay, Tapaz, Capiz bandang alas-9 ng umaga.
Samantala, sa katimugang bahagi ng Panay, tatlo ang napatay at dalawa ang nasugatang elemento ng 82nd IB nang maengkwentro nila ang isang yunit ng BHB sa ilalim ng Napoleon Tumagtang Command sa Sityo Tabiac, Barangay Dalije, Miag-ao, Iloilo noong Oktubre 29 ng umaga.
Nang mangyari ang putukan, kaagad na inagaw ng BHB ang inisyatiba sa labanan at nagtamo ng mga kaswalti ang kaaway. Tinabunan lamang ng kaaway ang mga bangkay ng mga sundalo at kinabukasan pa kinuha ang mga ito para isakay sa helikopter.
Nagpatuloy pa rin sa pagtugis ang kaaway sa mga Pulang mandirigma. Ngunit muli nilang nakasagupa ang BHB noong Oktubre 31. Siyam ang napatay sa mga tropa ng Charlie Company. Pinagtakpan ng 3rd ID sa pamumuno ng kanilang bagong hepe na si Brig. Gen. Aurelio Baladad ang sunud-sunod na mga kabiguang ito sa kamay ng BHB. Pagkaraan ng ilang araw, binomba ng isang helikopter na Huey at dalawang MG-520 helicopter gunship ang kabundukan sa hangganan ng Iloilo at Antique.
Bago pa ito, noong Oktubre 7 ay anim ang napatay at hindi bababa sa tatlo ang nasugatan sa mga tropa ng 61st IB isang ambus sa pampang ng Pan-ay River sa Barangay Nayawan,Tapaz.
[The official news organ of the Communist Party of thePhilippines . Ang Bayan is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly. It is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20131221/18-sundalo-napatay-sa-mga-opensiba-ng-bhb-sa-panay
Labingwalong sundalo ang napatay at di bababa sa pito ang nasugatan nang matagumpay na biguin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) ang sunud-sunod na mga operasyong militar ng 3rd ID ng Philippine Army sa Panay noong Oktubre.
[Eighteensoldierswere killedandat leastseveninjuredwhen the New People's Army successfullydefeatedthe PhilippineArmy3rdID in successive military operations in Panayin October.]
Tinambangan ng BHB noong Oktubre 9 ang malaking pwersa ng 61st IB na naglulunsad ng operasyong pagtugis sa mga Pulang mandirigma na umambus sa militar noong Oktubre 7. Nasugatan ang dalawang sundalo nang tambangan sila ng BHB sa Sityo Malangsa, Barangay Abangay, Tapaz, Capiz bandang alas-9 ng umaga.
Samantala, sa katimugang bahagi ng Panay, tatlo ang napatay at dalawa ang nasugatang elemento ng 82nd IB nang maengkwentro nila ang isang yunit ng BHB sa ilalim ng Napoleon Tumagtang Command sa Sityo Tabiac, Barangay Dalije, Miag-ao, Iloilo noong Oktubre 29 ng umaga.
Nang mangyari ang putukan, kaagad na inagaw ng BHB ang inisyatiba sa labanan at nagtamo ng mga kaswalti ang kaaway. Tinabunan lamang ng kaaway ang mga bangkay ng mga sundalo at kinabukasan pa kinuha ang mga ito para isakay sa helikopter.
Nagpatuloy pa rin sa pagtugis ang kaaway sa mga Pulang mandirigma. Ngunit muli nilang nakasagupa ang BHB noong Oktubre 31. Siyam ang napatay sa mga tropa ng Charlie Company. Pinagtakpan ng 3rd ID sa pamumuno ng kanilang bagong hepe na si Brig. Gen. Aurelio Baladad ang sunud-sunod na mga kabiguang ito sa kamay ng BHB. Pagkaraan ng ilang araw, binomba ng isang helikopter na Huey at dalawang MG-520 helicopter gunship ang kabundukan sa hangganan ng Iloilo at Antique.
Bago pa ito, noong Oktubre 7 ay anim ang napatay at hindi bababa sa tatlo ang nasugatan sa mga tropa ng 61st IB isang ambus sa pampang ng Pan-ay River sa Barangay Nayawan,Tapaz.
[The official news organ of the Communist Party of the