Quantcast
Channel: Key Philippine Military and Insurgency-Related Events
Viewing all articles
Browse latest Browse all 71157

CPP/Ang Bayan: AFP, sumalakay sa Samar

$
0
0
From the Dec 21 edition of Ang Bayan posted to the CPP Website (Dec 21): AFP, sumalakay sa Samar (AFP raid in Samar)

Walang patid ang pang-aatake ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na nagpapatupad ng mga gawaing pang-ayuda at rehabilitasyon sa Samar, Leyte, Negros at iba pang lugar na sinalanta ng superbagyong Yolanda. Ayon sa pinakahuling ulat, nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng lokal na yunit ng BHB at 87th IB sa Barangay Sto. Niño, Motiong sa Samar nitong Disyembre 17.

[The ArmedForcesofthePhilippines(AFP) has launched endless attacks against the unitsof the NewPeople's Army(NPA) implementingactivitiesandrehabilitationassistancein Samar, Leyte, Negrosandotherareasdevastated by Typhoon Yolanda.According to recent reports, there wasan encounterbetweenthelocalunitof theNPA and the87thIBin BarangaySto. Niño, MotiongSamaron December17.]

Binatikos ng PKP ang AFP sa pagtatakwil nito sa anim na araw na tigil-putukang idineklara ng Partido Komunista ng Pilipinas nitong Disyembre 18. Sa halip na tugunan nito ng sariling tigil-putukan ang deklarasyon, mayabang pang naghamon ang AFP na magdeklara ang BHB ng walang taning na tigil-putukan. Idiniin ng PKP na pwede lamang itong mangyari kung ang rehimeng US-Aquino ay papayag na ipagpatuloy ang naunsyaming negosasyong pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) upang mapag-usapan ang batayan, saklaw at iba pang parametro ng gayong tigil-putukan.

Walang awat ang paglulunsad ng mga opensibong operasyong militar ang AFP sa mga nasalantang lugar kahit nauna nang magdeklara ng unilateral na tigil-putukan ang PKP para mapakilos ang buong pwersa ng BHB at masa para sa gawaing rehabilitasyon.

[The official news organ of the Communist Party of the Philippines. Ang Bayan is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly. It is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]

http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20131221/afp-sumalakay-sa-samar

Viewing all articles
Browse latest Browse all 71157

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>