Posted to Kalinaw News (May 14, 2022): Anim napu’t anim (66) na Dating Rebelde nakatanggap ng mahigit na P5. 1 Milyong Cash Assistance galing sa E-Clip
Mati City, Davao Oriental – Nakatanggap ng E-CLIP Cash Assistance at Firearms Renumeration ang 66 na dating rebeldeng New People’s Army (NPA) bilang parte ng kanilang pangkabuhayan na ginanap sa Happy Home, (Half Way House), sa Brgy Don Martin Marundan, Mati City, Davao Oriental ngayong araw Mayo 12, 2022.
Anim Naput Anim (66) na mga dating rebelde na sumuko sa taong 2021 sa lalawigan ng Davao Oriental ay nabigyan ng kabuoang PhP 5, 184, 456.00 para sa kanilang E-CLIP Financial Assistance as seed money sa pagbabagong buhay at sa mga sinuko nilang mga armas o firearms remuneration.
Nagpasalamat ang mga dating rebelde sa tulong na ibinigay ng gobyerno para sa kanila. Malaking bagay ito upang makapundar sila ng hanapbuhay para sa kanilang mga pamilya. Dagdag pa nila, hindi totoo yung sinabi ng mga leader na papatayin sila pag sumurrender. Bagkos inalagaan at binigyan pa sila ng pangkabuhayan.
Pinangungunahan nila Davao Oriental, Probinsyal Director ng DILG na si Orle Cabaobao, BGEN OLIVER C MAQUILING PA, Bde Commander ng 701st Infantry “Kagitingan” Brigade, LTC JULIUS M MUNAR,Commander ng 66IB, MAJ JERRY S LAMOSAO, Executive Officer ng 67IB, Ms Sarah Gudes ang PSWD Head ng Davao Oriental, at Ms Marlyn Casibua ang Happy Home Administrator. Kasama din sa pagsaksi sa aktibidad ay si Emmalyn Oliveros ang dating Happy Home Administrator.
Sa pahayag ni PD Cabaobao, sinabi nya na “nais kong matamasa ninyo ang tulong at programa ng gobyerno lalo na dito sa Davao Oriental. Gamitin ninyo ito ng maayos para umunlad ang buhay ninyo kasama ang mga mahal ninyo.Inaasahan namin na sa pamamagitan nito maging kontributor kayo sa kapayapaan at kaunlaran ng ating inang bayan.”
Samantala sa pahayag ni BGEN OLIVER C MAQUILING, pinapabatid nya na sa pamamagitan ng pagbahagi ng mahigit Limang Milyong piso para sa mga nagbalik loob, seryoso ang gobyerno sa programa nito para sa mga mamamayan. Nanghikayat pa sya at sinabing,
“nananawagan ako sa mga natitirang pang mga rebeldeng NPA na sumuko na sila at tanggapin ang mga programa ng gobyerno upang makapamuhay ng mapayapa at magkaroon ng magandang kinabukasan”, dagdag pa ni BGEN MAQUILING.
[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]
https://www.kalinawnews.com/anim-naput-anim-66-na-dating-rebelde-nakatanggap-ng-mahigit-na-p5-1-milyong-cash-assistance-galing-sa-e-clip/