Quantcast
Channel: Key Philippine Military and Insurgency-Related Events
Viewing all articles
Browse latest Browse all 71198

CPP/NPA-Southern Tagalog: Pagpupugay sa 5 Pulang mandirigma ng LdGC-NPA Mindoro at mga martir ng labanan sa Calintaan noong Abril 25

$
0
0
Propaganda statement posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 30, 2022): Pagpupugay sa 5 Pulang mandirigma ng LdGC-NPA Mindoro at mga martir ng labanan sa Calintaan noong Abril 25 (Tribute to 5 Red fighters of LdGC-NPA Mindoro and martyrs of the battle in Calintaan on April 25)



Armando Cienfuego
Spokesperson
Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command)
New People's Army

April 30, 2022

Pinagpupugayan ng Melito Glor Command-New People’s Army-Southern Tagalog (MGC-NPA-ST) ang limang Pulang mandirigma ng Lucio de Guzman Command-NPA Mindoro na magiting na sumagupa sa sunud-sunod na tatlong labanan sa pinagsanib na pwersa ng 4th IBPA, 76th IBPA, 68th IBPA at PNP-SAF noong Abril 25 sa Brgy. Iriron at Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro.

Nakikipagkonsultahan sa mga magsasaka ang nasabing tim nang salakayin ng mga pasista. Gumamit ng pinagsanib na pwersa mula sa apat na panagupang batalyon, dalawang tangkeng de-gera at dalawang helikopter ang 203rd Brigade at PNP-SAF para lamang durugin ang lima-kataong tim. Tatak ito ng desperasyon at paghahabol ng mga berdugo sa pangarap ng tiranikong pangulo na wasakin ang rebolusyonaryong kilusan bago siya bumaba sa pwesto. Sa kabila ng labis-labis na pwersa, bigo ang mga mersenaryo na lipulin ang tim. Sa halip, napinsalaan pa ang mga pasista ng limang patay at tatlong sugatan batay sa ulat ng mga saksi.

Taas-kamaong nagpupugay ang MGC sa Pulang mandirigmang si Ka Irene “Ka Gisel” Carias na namartir sa labanan. Si Ka Gisel ay isang kabataang babae at katutubong Hanunuo-Mangyan na masigasig sa pag-oorganisa at pagbibigay serbisyo sa masa. Gumagampan siya bilang mahusay na medik sa yunit ng hukbong bayan at nakilala sa kanyang talento sa pag-awit.

Nagpupugay rin ang MGC kay Ginoong Roberto Halig, isang sibilyang bumisita sa napalabang yunit ng NPA at namatay sa proseso ng pagtatanggol. Magiting siyang lumaban hindi lamang para iligtas ang kanyang sarili kundi para rin sa mga kasama at masa. Kahanga-hanga ang kanyang ipinakitang katapangan sa harap ng sumasalakay na kaaway.

Samantala, kinukondena ng MGC ang 203rd Brigade at PNP-SAF sa pagbaling ng atake sa mamamayan matapos ang malaking kahihiyan ng kanilang bigong operasyon. Nagpataw ang AFP-PNP ng pagharang sa daloy ng pagkain at pagbabawal na magkaingin ang mga magsasaka at katutubong Mangyan sa Calintaan at Rizal. Walang budhi ang mga berdugo sa hindi pagpinsala sa kabuhayan ng mga magsasakang naghahabol na makapag-kaingin ngayong panahon ng tag-init.

Dapat labanan ng mamamayang Mindoreño ang mga pakana ng bergdugong AFP-PNP na malaon nang naghahasik ng lagim at perwisyo sa mga komunidad ng magsasaka at katutubo. Kasama nila ang MGC-NPA-ST sa labang ito hanggang sa paggagawad ng rebolusyonaryong hustisya sa mga pasistang nananalanta sa kanilang buhay at kabuhayan. Maasahan nilang hindi titigil ang MGC-NPA-ST sa paglulunsad ng mga taktikal na opensibang bibigwas sa palalong kaaway.

Tulad ni Ka Gisel at G. Halig, marami pang masang anakpawis ang tatahak sa landas ng demokratikong rebolusyong bayan upang labanan ang terorismo ng estado at wakasan ang pang-aapi at pagsasamantala ng naghaharing sistema sa mamamayan.

Ituloy ang laban ng mga rebolusyonaryong martir!

Biguin ang final push ng rehimeng US-Duterte!

Militar sa kanayunan, palayasin!###

https://cpp.ph/statements/pagpupugay-sa-5-pulang-mandirigma-ng-ldgc-npa-mindoro-at-mga-martir-ng-labanan-sa-calintaan-noong-abril-25/

Viewing all articles
Browse latest Browse all 71198

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>