Quantcast
Channel: Key Philippine Military and Insurgency-Related Events
Viewing all articles
Browse latest Browse all 71187

Kalinaw News: Kasundaluhan at mga Teroristang NPA, muling nagkasagupa

$
0
0

Posted to Kalinaw News (Apr 26, 2022): Kasundaluhan at mga Teroristang NPA, muling nagkasagupa (Army and NPA Terrorists, clash again)



ALINTAAN, OCCIDENTAL MINDORO – Ika-25 ng Abril 2022, habang nagsasagawa ng pursuit operation ang ating mga kasundaluhan mula sa 76th Infantry (Victrix) Battalion ng 203rd Brigade (Bantay Kapayapaan), 2ID, PA sa ikinasang combat operation ng pinagsamang pwersa ng ating mga kasundaluhan at kapulisan kasama ang mga pwersa ng 23MICO, 10th SAB, PNP-SAF, RFMB-4B, OMPMFC at PIB Occidental Mindoro ng PPO ay nasukol nila ang mga nagsipagtakas na mga miyembro ng Teroristang NPA na hinihinalang mga nalalabing miyembro ng Squad GMT, SRMA 4D, STRPC sa naganap na engkwentro sa Sitio Salad, Brgy Malpalon, Calintaan, Occidental Mindoro na tumagal ng sampong (10) minuto, bandang alas onse-bente (11:20PM) ng tanghali.
Hindi baba sa apat (4) na katao ang nakabak-bakan ng ating mga kasundaluhan at agad na nagresulta sa pagkaka-samsam ng mga sumusunod:

• 1 M16 Rifle
• 1 M14 Rifle
• 2 Magazines for M16 loaded with 18 rounds
• 1 Magazine for M14 loaded with 18 rounds
• 2 IED
• 1 Hand grenade
• 1 Rifle grenade
• 100 meters detonating wire
• 1 Radio charger
• 1 Bandolier
• Mga personal na kagamitan
• Mga subersibong dokumento
• 1 Laptop mac
• 8 Cell phone (keypad)
• 6 USB
• 3 Hard disk
• 6 Memory card
• 1 Pocket wifi
• 1 Power bank
• 9 Cell phone charger
• 1 Bluetooth speaker

Ayon naman kay LTC WILLIAM O ROMERO INF (GSC) PA, Acting Commanding Officer ng 76IB, 2ID, PA “Bukas po ang pintuan ng ating kasundaluhan at kapulisan sa mga gustong mag balik-loob sa pamahalan, nariyan po ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP na makakatulong po sainyo sa inyong pagbabagong buhay, at para naman po sa mga nakasagupa ng ating kasundaluhan at kapulisan, handa rin po namin kayong tulungan upang madala kayo agad sa hospital at maipagamot.”

Sa ngayon, ang pwersa ng ating pamahalaan ay kasalukuyan paring nagsasagawa ng pursuit operation upang tugisin ang natitira pang mga teroristang grupo.



[Kalinaw News is the official online source of information on the pursuit for peace in the Philippines This website is a property of the Civil-Military Operations Regiment, Philippine Army located at Lawton Avenue, Fort Bonifacio, Taguig City Contact us: kalinawnews@cmoregiment.com]

https://www.kalinawnews.com/kasundaluhan-at-mga-teroristang-npa-muling-nagkasagupa/


Viewing all articles
Browse latest Browse all 71187

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>