Propaganda article from the Tagalog language edition of Ang Bayan posted to the Communist Party of the Philippines (CPP) Website (Apr 21, 2022): 12 armadong aksyon sa 3 rehiyon (12 armed actions in 3 regions)
April 21, 2022
Labindalawang armadong aksyon ang naiulat na inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa mga rehiyong Eastern Visayas, Northeast Mindanao at Ilocos-Cordillera.
Inambus ng BHB-Northern Samar (Rodante Urtal Command) ang pinagsanib na pwersa ng militar at pulis noong Abril 3 sa Barangay San Miguel, Las Navas. Dalawa ang napaslang at lima ang nasugatan sa tropa ng sundalo at pulis.
Bago nito, pinasabugan ng command-detonated explosive ng BHB ang tropang militar na nag-ooperasyon sa Barangay MacArthur, Las Navas noong Marso 25. Tatlong sundalo ang napaslang.
Kasunod ito ng pag-atake ng BHB sa 20th IB sa Barangay Nagoocan, Catubig noong Marso 22. Isa ang nasugatan sa naturang aksyon. Samantala, magkasunod na operasyong haras ang inilunsad ng BHB noong Marso 4-5 sa Barangay Trangue, Catarman at sa kampo ng 43rd IB sa Barangay Santander, Bobon. Isa ang napaslang habang isa ang nasugatan sa mga sundalo.
Pinatawan ng kaparusahang kamatayan ng BHB-Central Negros ang elemento ng CAFGU na si Jeger Flores sa Barangay Sandayao Patrol Base ng 62nd IB sa Guihulngan City, Negros Oriental noong Abril 10. Sangkot si Flores sa pagpaslang kay Arnold Suerte, isang magsasaka, noong Enero.
Sa Surigao del Norte, inambus ng BHB ang pinagsanib na pwersa ng 30th IB at PNP sa Barangay Binukaran, Malimono noong Marso 26 ng hapon. Dalawa ang naiulat na sugatan sa hanay ng mga sundalo at pulis.
Noong Abril 6, dalawang elemento ng CAFGU sa ilalim ng 30th IB ang nasugatan sa ambus ng BHB sa Sityo Tumay-as, Barangay Ferlda, Alegria sa parehong prubinsya. Sa sumunod na araw, inaresto ng mga Pulang mandirigma ang dalawang aktibong aset ng 30th IB sa Barangay Mayag, Sison.
Nasamsam ng yunit ng BHB mula rito ang ilang kagamitang militar kabilang ang mga backpack, combat boots, mga selpon, GPS tracker at isang pistola.
Inambus naman ng mga Pulang mandirigma ng BHB-Agusan del Norte ang nag-ooperasyong 40-kataong yunit ng 29th IB sa Palo 12, Barangay Poblacion 2, Santiago noong Abril 14. Dalawang sundalo ang namatay.
Samantala, tatlong sundalo ang nasugatan sa operasyong haras ng BHB-Kalinga sa detatsment ng CAFGU sa Barangay Mabaca, Balbalan noong Pebrero 4. Apat na elemento naman ng 24th IB ang napatay sa kontra-reyd na isinagawa ng BHB sa Barangay Anayan, Tineg, Abra noong Marso 23.
[Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines and is issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and views on current issues. Ang Bayan comes out fortnightly and is published in Pilipino, Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.]
https://cpp.ph/2022/04/21/12-armadong-aksyon-sa-3-rehiyon/