Quantcast
Channel: Key Philippine Military and Insurgency-Related Events
Viewing all articles
Browse latest Browse all 71157

CPP/NPA: Concerning the battle that occurred in Brgy. Calomayon, Juban, Sorsogon on July 4, 2013, and the extreme violation of the Laws of War by the 31st Infantry Battalion

$
0
0
Posted to the CPP Website (Jul 6): Hinggil sa nangyaring labanan sa Brgy. Calomayon, Juban, Sorsogon noong Hulyo 4, 2013, at ang matinding paglabag ng 31st Infantry Battalion sa mga Batas ng Digma (Concerning thebattle that occurredin Brgy.Calomayon,Juban,SorsogononJuly 4, 2013,andtheextreme violation of theLawsofWar by the 31stInfantryBattalion)

Samuel Guerrero
Spokesperson
NPA Sorsogon Provincial Operations Command (Celso Minguez Command)


 Mariing kinukundena ng Celso Minguez Command ang di-makataong pagpaslang ng 31st Infantry Battalion sa pamumuno ni Col. Virginson Aquino sa walong (8) kasama sa Brgy. Calomayon, Juban, Sorsogon nitong Hulyo 4, 2013. Isinagawa ng mga berdugo ng 31st IB ang masaker sa mga kasama bandang 5:20 ng umaga. Namartir sina Ka Greg Bañares, tagapagsalita ng NDF-Bicol (Frankie Joe Soriano), Ka Miloy (Pehing Hipa), Ka Nel (Christine Puche), Ka Gary (Ted Palacio), Ka Rey (David Llunar), Ka Nene (Romero Añonuevo), Ka Jay (William Villanueva, Jr), at Ka Kevin (Ailyn Calma).

[TheCelsoMinguezCommand strongly condemns the inhumanmurderof eight(8) (red fighters) by the 31stInfantryBattalionled byCol..AquinoVirginson (that took place in) Brgy.Calomayon,Juban,Sorsogon on July 4, 2013. This massacre was conducted bytheexecutionersof the 31stIB round5:20am. Those martyred were GregBañares,spokespersonofNDF-Bicol(FrankieJoeSoriano),YouMiloy(PehingHIPA),KaNel(ChristinePuche),KaGary(TedPalacio),KaRey(DavidLlunar),KaNene(RomeroAnonuevo), KaJay(WilliamVillanueva,Jr.),andKaKevin(AilynCalma).]

Ayon sa pagsisiyasat ng Celso Minguez Command at gayundin sa ibinigay na ulat ng mga taumbaryo, tatlo sa walong kasamang namartir ang nakalayo na sa bahay na pinaglabanan at walang dalang mga armas. Sa kabila nito, walang habas pa ring pinagbabaril ng mga sundalo sina Ka Greg, Ka Nel, at Ka Gary. Hindi pa nakuntento ang mga pasista, lahat ng nalugmok na kasama ay binaril sa mukha — malinaw na paglabag sa internasyunal na mga batas ng digma na nagtitiyak sa kaligtasan ng mga di-armado at mga wala nang kakayahang lumaban. Haharapin ni Col. Aquino at ng kanyang mga tauhan ang patung-patong na kaso ng paglabag sa Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.

[According toinvestigationsby the CelsoMinguezCommandand reports provided by villagers,three of theeight who were martyred at thehousefoughtwithout carryingweapons.Despite this, the soldiers wantonly shot Ka Gre, KaNel,and KaGary.Not yetsatisfied,the fascists also shot them in the face- a clear violation ofinternationallawsof warthat ensurethe safety of those who are unarmedand have noability toresist.Col.Aquinoand hisstaff (are guilty) of violations oftheComprehensiveAgreementonRespectforHumanRights andInternationalHumanitarianLaw.]

Ito ang tunay ng mukha ng Oplan Bayanihan. Sa likod ng mga pakitang-taong pagpapalamuti, kahayupan ang siyang iniuumang ng estado sa mamamayang lumalaban sa kawalan ng tunay na kalayaan at demokrasya. Walang natatanging paraan para sa mamamayan kundi ang magpursigi sa kanilang pagrerebolusyon upang wakasan ang isang sistemang nagkakait sa kanilang karapatan at kabuhayan, at pumapatay sa sinumang naghihimagsik.

[This is theveryfaceofOplanBayanihan.Behindthetokendecoration,thestate (is forcing) people to resist the lack oftrue freedomanddemocracy.There is no (other) wayfor the peoplebut to persevere intheirrevolutionto enda system thatdeniestheir rightsand livelihood,andkillsanyinsurgent.]

Dapat ding ilantad ang pagnanakaw ng mga upisyal at sundalo ng 31st IB sa mga rekurso ng mamamayan. Hindi iniulat ng 31st IB ang kanilang ibinulsang 300T pera na nasa pangangalaga ng mga kasamang namartir. Itinago din nila ang apat (4) na laptop computer, gayundin ang mga cellphone na ginagamit ng mga kasama sa paggampan nila ng mga rebolusyonaryong gawain.

[The theft by theofficers andsoldiersof the 31stIBof theresourcesof the people must also be exposed.Notreported by the  31stIB is 300T in money that was in the care of the martyredcomrades.They alsokeptfour (4)laptopcomputers, as well as the mobile phonesused by (the martyrs) in carrying out (their) revolutionaryactivities.]

Pinakamataas na parangal ang iniaalay ng Celso Minguez Command, kaisa ang buong mamamayan ng Sorsogon, sa walong kasamang nagbuwis ng kanilang buhay sa daloy ng kanilang paglilingkod sa mamamayang inaapi at pinagsasamantalahan. Inspirasyon sila sa iba’t ibang uri at sektor ng lipunan na humawak ng armas at maglingkod sa mamamayan sa kanilang pagkamit ng isang lipunang tunay na malaya, makatarungan, at maunlad.

[CelsoMinguezCommand, along with theentire peopleofSorsogon, offers the highest accolades to the eight (martyrs) who gave their livesin theirservice of the oppressed andexploited.Theyinspiredifferent typesand sectorsof societyto take up armsandservethe peoplein achieving asocietytruly free,fair,andprosperous.]

http://www.philippinerevolution.net/statements/20130706_hinggil-sa-nangyaring-labanan-sa-brgy-calomayon-juban-sorsogon-noong-hulyo-4-2013-at-ang-matinding-paglabag-ng-31st-infantry-battalion-sa-mga-batas-ng-digma


Viewing all articles
Browse latest Browse all 71157

Trending Articles