Excerpt from the Tagalog edition of the propaganda publication Ang Bayan posted to the CPP Website (May 7): 10 sundalo, napatay; 12 nasugatan sa mga ambus ng BHB sa Davao City
Nabigo ang pamunuan ng 10th ID-Eastern Mindanao Command (Eastmincom) ng AFP na itago ang tumataas na bilang ng mga kaswalti ng mga tropa nito habang pinaiigting nito ang gerang saywar at mga operasyong pangkombat sa kabundukan ng Davao.
Sa pinakahuling ulat ng mga labanan mula Abril 26 hanggang Mayo 1, nagtamo ang mga pasistang tropa ng sampung patay at 12 sugatan, ayon kay Ka Rigoberto Sanchez, tagapagsalita ng Merardo Arce Command ng BHB-Southern Mindanao Regional Operations Command.
Noong Mayo 1, bandang alas-8 ng umaga, tinambangan ng mga Pulang mandirigma ng BHB ang isang platun ng 69th IB sa Sityo Bintuin, Barangay Fatima, Paquibato District sa Davao City. Balak na kubkubin ng nasabing yunit ng Philippine Army ang isang pangkat ng BHB, pero nabigo ito.
Pagkatapos ng 30-minutong labanan, dalawang sundalo ang napatay at apat na iba pa ang nasugatan. Muling nagkalabanan bandang alas-3 ng hapon sa Barangay Fatima noong hapon ding iyon, at nasugatan ang isa pang sundalo ng 69th IB.
Naganap ang unang labanan noong Abril 26, alas-3 ng hapon nang pasabugan ng mga milisyang bayan ng command-detonated explosive ang sinasakyang trak na KM40 ng 69th IB sa Km. 3, Barangay Fatima. Dalawang sundalo ang nasugatan.
Kinabukasan, Abril 27, mga alas-7 ng umaga, muling tinambangan ng pinagsanib na pwersa ng BHB at milisyang bayan ang isang platun ng 84th IB sa Sityo Sled, Barangay Dalagdag. Napatay ang limang tropa at nasugatan ang walong iba pa. Nangyari ang labanan mga 150 metro lamang ang layo mula sa patrol base ng 84th IB.
Muling inambus ng BHB ang 84th IB noong Abril 30, bandang alas-7 ng umaga sa Sityo Sled. Dito’y nagtamo ang kaaway ng tatlong patay at anim na sugatan.
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140507/10-sundalo-napatay-12-nasugatan-sa-mga-ambus-ng-bhb-sa-davao-city