NPA propaganda statement posted to the CPP Website (May 3): Makatwirang pamamarusa ng BHB-Batangas sa mga makinaryang pangkonstruksyon ni Henry Sy, Ipinagbunyi ng mga magsasaka ng Hacienda Looc
Apolinario Matienza
Spokesperson
NPA Batangas Provincial Operations Command (Edgardo Dagli Command)

Matagumpay na naisagawa kagabi ang pamamarusa ng BHB-Batangas sa pamamagitan ng pagsunog sa mga kagamitan sa konstruksyon sa paggawa ng kalsada nina Henry Sy sa Hacienda Looc ng Nasugbu. Isasakripisyo ang mga sakahan ng mga magsasaka para matuloy lamang ang kalsadang idudugtong sa barangay Bulihan ng Nasugbu sa bayan ng Magallanes Cavite. Napilitan isagawa ito para irehistro ng BHB Batangas ang mariing pagtutol sa proyektong Eko-Turismo na nagdudulot ng malawakang pangwawasak ng mga sakahan at maramihang paglabag sa karapatang pantao tulad ng panununog ng mga kubo, paninira ng pananim at pangungumpiska ng mga tanim, uling at kahoy na panggawa ng bahay ng mga magsasaka ng Hacienda Looc na masugid na ipinapatupad ng mga bayarang Security Guard ni Henry Sy at Virata ng Cavite.
Noong ika- 21 ng Pebrero 2014, iligal na inaresto sina William Castillano at Lorenzo Obrado na tinaniman ng matataas na kalibre ng armas at sinampahan ng gawa-gawang kaso . Sila ay mga lider magsasakang nakikibaka sa barangay Patungan na pilit pinapalayas ng pamilya Virata na kakutsaba ni Henry Sy. Sinundan pa ito sa barangay Kalayo , Nasugbu noong ika-15 ng Abril ng pwersahang dinakip ang mag-asawang sina Armando Lemita, Rosenda Lemita at anak nilang dalagita na si Alaysa Mari Lemita sa kasong “Obstruction of Justice, Resistance and Disobedience of Authority at Direct Assault”. Samantalang ang kapatid ni Armando Lemita na si Anatalio Lemita ay pinagbintangang nagtatago ng malakas na kalibre ng baril. Sinadya itong isinagawa para patahimikin ang pakikibaka ng mga magsasaka ng Hacienda Looc at barangay Patungan ng Maragondon Cavite. Ang yunit ng 730th Combat Group at PNP ng Batangas at Cavite ang masugid na instrumento at tagapagpatupad ng kanilang amo na sina Henry Sy at Pamilya Virata ng Cavite.
Ang pakikibaka ng mga magsasaka sa Hacienda Looc ay tinatapatan ng dahas ng rehimeng US–Aquino para pagbigyan ang makitid na interes ng mga kauri niyang kumprador panginoong maylupa na tulad ni Henry Sy at Virata. Napakadaling payagan ng rehimeng ito ang anumang imprastraktura kahit na ang kapalit ay ang mga sakahan at kabuhayan ng mga mamamayan para sa proyektong EkoTurismo. Walang tunay na kaunlarang makakamit ang mamamayan ng Hacienda Looc hanggat hindi ipinapatupad ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon sa ating bansa. Kami sa BHB Batangas ay seryosong sasagka sa anumang proyektong panturismo ng mga katulad nina Henry Sy at Virata na ang mga tirahan at sakahan ay isasakripisyo kapalit ng tubo.
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140503_makatwirang-pamamarusa-ng-bhb-batangas-sa-mga-makinaryang-pangkonstruksyon-ni-henry-sy-ipinagbunyi-ng-mga-magsasaka-ng-hacienda-looc