Quantcast
Channel: Key Philippine Military and Insurgency-Related Events
Viewing all articles
Browse latest Browse all 71198

‘Psy-ops at Psy-war’ ni Al Jacinto

$
0
0
From the Mindanao Examiner BlogSpot site (May 2): ‘Psy-ops at Psy-war’ ni Al Jacinto



PSY-OPS...PSY-WAR...pero hindi ko maintindihan kung bakit palaging sinasabi ng militar na mayroong casualties ang Abu Sayyaf o NPA sa tuwing may labanan...lalo na kung maraming sundalo ang sugatan o nasawi? Kahit walang nakuhang mga bangkay ng kalaban eh sasabihin ng militar na marami ang napatay at naitakas lamang diumano ng kalaban ang mga bangkay! At sasabihin pa na galing ang impormasyon sa mga sibilyan, sa mga tao...Mayroon pang linya ang militar o ang kanilang mga tagapagsalita na 'may bloodstains sa withdrawal route ng kalaban' kung kaya't mayroong enemy casualties...

Eh kung ang mga sibilyan o populace ang nagsasabi o nagsusumbong sa militar kung ilan ang nasawi sa kalaban eh bakit hindi mailigtas ng militar ang mga kidnapped victims? Bakit hindi matunton ng militar ang mga lider ng kalaban kung totoong may mga sibilyan na nagsusumbong sa kanila kung ilan ang namamatay sa kalaban na para bagang naroon ang mga sibilyan sa tuing may giyera at nanood sa labanan?

Pero ang ganitong pahayag ay saklaw ng mga pinuno ng militar...psy-war ika nga! Pero sino ba ang naloloko sa mga maling pahayag upang masabi na maraming kalaban ang napatay ng mga sundalo? Ang unang naloloko nito ay ang Armed Forces of the Philippines...pangalawa ang media na malimit kumagat sa mga ganitong pahayag...at pangatlo ang publiko sa kadahilanang nababasa, napapanood at napapakinggan nito ang maling balita...

Dapat sigurong maging mas makatotohanan ang militar at kung walang napatay at hindi sigurado ang ground commander na may casualties sa kalaban ay mas mabuting sabihin ito kaysa lokohin at papaniwalain nila ang kanilang sarili sa maling paraan. Ano ang mararamdaman ng sundalo kung mabasa ang balita na maraming silang napatay na kalaban gayun wala naman? Ito ay pagsisinungaling at binubuksan ng militar ang isipan ng sundalo sa maling pamamahayag.

Body counts ang batayan sa casualty reports at hindi propaganda, gayun may mga commander na talagang sinasabi kung may napatay na kalaban o wala... Ito rin ang dapat isaisip ng NPA na madalas magsabi sa media na maraming mga napatay na sundalo o parak sa bawat enkuwentro nila.

At ang mas mabuti para sa lahat ay matigil na ang patayan at labanan at sa halip ay pagtuunan ng pansin ang pagpapalaganap sa kapayapaan!

http://www.mindanaoexaminer.net/2014/05/psy-ops-at-psy-war-ni-al-jacinto.html

Viewing all articles
Browse latest Browse all 71198

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>