Quantcast
Channel: Key Philippine Military and Insurgency-Related Events
Viewing all articles
Browse latest Browse all 71187

CPP/NPA: CBC-NPA-Laguna, mariing kinondena ang patuloy na pagpiit kay Andrea Rosal at Rafael De Guzman! Maglulunsad ng mga taktikal na opensiba laban sa AFP-PNP-NBI!

$
0
0
NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Apr 22): CBC-NPA-Laguna, mariing kinondena ang patuloy na pagpiit kay Andrea Rosal at Rafael De Guzman! Maglulunsad ng mga taktikal na opensiba laban sa AFP-PNP-NBI!

Logo.bhb
Magdalena Kalayaan
Spokesperson
NPA Laguna Provincial Operations Command (Cesar Batralo Command)
 
Mariing kinukondena ng mga pulang kumander at mandirigma sa ilalim ng Cesar Batralo Command (CBC-NPA-LAGUNA) kabilang na ang mga milisyang bayan sa patuloy na pagpiit kay Andrea Rosal, ang panganay na anak na babae ng yumaong dating tagapagsalita ng CPP-NPA na si Gregorio “Ka Roger” Rosal, at kay Rafael de Guzman. Sila ay iligal na inaresto ng magkasanib na pwersa ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) at ng National Bureau of Investigation Anti-Organized Crime Division (NBI-AOCD) noong Marso 27, 2014 sa Barangay 169, Lungsod ng Kalookan.

Si Andrea ay pumunta sa Lungsod ng Kalookan upang magpatingin sa kanyang doktor nang siya ay inaresto dahilan sa gawa-gawang kaso ng pagpatay at pagkidnap. Siya ay siyam na buwan nang buntis at malapit nang manganak anumang oras mula ngayon. Kasama niyang inaresto si G. Rafael de Guzman na walang anumang kasalanan maliban sa pagsama kay Andrea sa pagpunta sa klinika ng doctor na magpapaanak sa kanya. Si Rafael, isang binata, ay residente ng Lungsod ng Calamba, Laguna.

Inaresto ng AFP si Andrea upang makabawi sa kabiguan nilang mahuli ang kanyang mga rebolusyonaryong magulang na sina Ka Roger at si Ka Solly. Ito ang pangalawang pagkuha ng AFP kay Andrea. Nauna siyang dinukot ng AFP Southern Luzon Command (SOLCOM), na dating pinamunuan ni Heneral Galido, noong siya ay 5 taong gulang pa lamang upang pasukuin ang kanyang ama na si Ka Roger. Naobliga ang AFP na palayain siya dahil sa walang tigil na protesta ng kanyang lola at ni Ka Roger sa pamamagitan ng media. Ito rin ang pangalawang pagbinbin sa kanya sa ilalim ng rehimeng Aquino. Una siyang kinuha noong 1989 sa panahon ng paghahari ng rehimeng Cory Aquino noong siya ay bata pa. Matapos ang halos 25 taon ay muli siyang inaresto ngayon sa ilalim ng isa pang Aquino, sa paghahari ng rehimeng Nonoy Aquino, ang tuta ng Kano, korap at brutal na anak na matandang binata ni Cory Aquino. Nabigo ang nanay niya na hulihin ng buhay si Ka Roger at asawang si Ka Solly. Ngayon ay sinikap ng anak niyang si Noynoy Aquino na gamitin sa propaganda laban sa rebolusyonaryong kilusan ang angkan ni Ka Roger sa pamamagitan ng iligal na pag-aresto at pagkulong sa isang inosenteng babaeng buntis na anak ni Ka Roger.

Walang katotohanan ang akusasyon ng AFP-PNP-NBI kay Andrea at sa kanyang kasama. Gawa-gawa ng AFP ang ikinaso kay Andrea na pagpatay at pagkidnap. Sa nakaraang 31 taon ay namuhay si Andrea bilang isang ordainaryong kababaihan na umiiwas na matukoy na siya ay anak nina Ka Roger at Ka Solly upang hindi mabigyan ng pagkakataon ang AFP na makuha siya at magamit para pasukuin ang kanyang mga magulang at magamit siya ng AFP para sa propaganda laban sa rebolusyonaryong kilusan. Kailanman ay hindi siya nasangkot sa pagpatay at pagkidnap ng sinumang indibidwal. Ang tanging kasalanan niya, kung maituturing man na kasalanan, ay ang maging panganay na anak ni Gregorio “Ka Roger” Rosal na kinamumuhian ng AFP-PNP dahil sa epektibo nitong pagtataguyod sa reboluyonaryong adhikain at sa paglalantad sa mga paglabag sa karapatang pantao at abusong militar.

Malisyoso at isang malaking kasinungalingan ang akusasyon ng AFP na si Andrea ay Kalihim ng Komiteng Larangang Gerilya-Sub-Regional Military Area sa Timog Katagalugan. Naglulubid ng ganitong kasinungalingan ang AFP upang bigyang katwiran ang kanilang iligal na pag-aresto at patuloy ng pagkulong kay Andrea at sa kanyang kasama. Ang totoo ay ang kanyang mga magulang na si Ka Roger at Ka Solly ang naging mga Opisyal ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan sa lalawigan ng Laguna noong sila ay nabubuhay pa.

Bago pa ang pagkaaresto sa kanya ay ipinaabot sa amin ng mga nagmamalasakit na mamamayan at mga kaibigan sa hanay ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Laguna na ipinapaikot at ipinapaskel ng mga pwersa ng AFP-PNP ang larawan ni Andrea Rosal at kinukumbinsi sila na magbigay ng impormasyon para mahuli ang anak ni Ka Roger kapalit ng malaking halaga bilang pabuya sa kanyang pagkaaresto. Patunay ito na matagal nang iniinteres ng AFP na mahuli si Andrea dahil siya ay anak ni Ka Roger na matagal na kumilos at naglingkod sa mamamayan ng Laguna bilang rebolusyonaryo. Masamang ugali na rin ng AFP ang mag-aresto ng walang kasalanan at akusahan na mataas na lider ng CPP-NPA upang makolekta ang reward money. Ginawa nila ito kay G. Rolly Panesa na inakusahan nilang mataas na lider ng CPP-NPA sa Timog Katagalugan. Muli nila itong ginawa ngayon kina Andrea Rosal at Rafael de Guzman upang maibulsa ng matataas na opisyal ng AFP ang pera na ginawa nila bilang pabuya sa pag-aresto sa dalawa.''

Ang iligal na pag-aresto at patuloy na pagbinbin sa buntis na si Andrea at kasama niyang si Rafael ay isang malinaw na paglabag sa karapatang pantao at internasyunal na makataong batas. Malinaw din na paglabag ito sa sariling batas ng reaksyunaryong gobeyerno hinggil sa karahasan laban sa kababaihan at bata (Violence Against Women and Children). Paglabag din ito sa Deklarasyon ng United Nation para sa proteksyon ng kababaihan at kabataan kung saan ang gobyerno ng Pilipinas ay isa sa mga lumagda.

Hinahamon namin ang Rehimeng Aquino na igalang ang karapatang pantao nina Andrea Rosal at Rafael de Guzman. Dapat niyang atasan ang AFP na kagyat na palayain si Andrea para malayang manganak saanmang lugar na naisin niya sa tulong ng kanyang piniling doktor. Nananawagan din kami sa mga tagapagtaguyod ng karapatan ng kababaihan at karapatang pantao na patuloy na kondenahin ang pag-aresto at patuloy na kumilos para mapalaya si Andrea at ang kanyang kasama.

Upang mabigyan ng katarungan ang paglabag sa karapatang pantao nina Andrea at Rafael at iba pang bilanggong pulitikal gayundin at mabigyang katarungan ang pang-aapi at panunupil ng rehimeng Aquino sa mamamayan, lahat ng yunit ng CBC-NPA-LAGUNA kabilang na ang mga yunit partisano at milisyang bayan ay maglulunsad ng taktikal na opensiba laban sa mga yunit ng AFP-PNP-NBI. Target din ng taktikal na opensiba ang sumisira sa kalikasan at mga mangangamkam ng lupa. Kailangang pagbayarin ng mahal ang mga pwersa ng reaksyunayong rehimeng Aquino at kanyang mga alipores sa kanilang lansakang paglabag sa karapatang pantao, pagsira sa kalikasan at lansakang paglabag sa karapatan ng mamamayang Pilipino.

KAGYAT NA PALAYAIN SINA ANDREA ROSAL AT RAFAEL DE GUZMAN!

 KATARUNGAN PARA KINA ANDREA ROSAL, RAFAEL DE GUZMAN AT IBA PANG BIKTIMA NG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO!

 PAPANAGUTIN ANG AFP-PNP-NBI SA KANILANG MGA KASALANAN SA BAYAN!

http://www.philippinerevolution.net/statements/20140422_cbc-npa-laguna-mariing-kinondena-ang-patuloy-na-pagpiit-kay-andrea-rosal-at-rafael-de-guzman-maglulunsad-ng-mga-taktikal-na-opensiba-laban-sa-afp-pnp-nbi

Viewing all articles
Browse latest Browse all 71187

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>