NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Apr 3): Pasistang Terorismo ng AFP, Hindi Nakaligtas sa Bomba ng BHB-Masbate!
Luz del Mar
Public Information Officer
NPA Masbate Provincial Operations Command (Jose Rapsing Command)

Marso 30, 2014 – Matapos ang dalawang araw ng pambulabog at paghahasik ng takot sa masang magsasaka ng ilang barangay sa mga bayan ng Cawayan, Placer at Palanas, matagumpay na inambus ng Bagong Hukbong Bayan – Jose Rapsing Command (BHB-JRC) sa probinsya ng Masbate ang mga bayaran at reaksyunaryong komboy ng pinaghalong 92nd at 93rd Division Reconnaisance Company (DRC) sa ilalim ng 9th ID. Alas-9 ng gabi, pinaputukan at pinasabugan ng command-detonated explosives (CDX) ang sasakyan ng mga sundalo sa Sitio Pulanduta, Brgy. Tuburan, Cawayan, Masbate. Nagresulta ito sa pagkamatay ng dalawang sundalo at pagkasugat naman ng anim na iba pa kasama na ang kanilang opisyal na si Cpl. Piñano. Pilit mang itago ang pangyayari, hindi mapapasinungalingan ang dalawang bangkay at mga sugatang naghandusay sa gilid ng kalsada, mga nagkalat na pyesa ng nawasak na sasakyan at iba pang bakas ng pagkapinsala ng pasabog.
Bago nito, ilang araw ring naghasik ng takot ang lakas kumpanyang operasyon ng militar sa hanay ng masa. Ilang kabahayan ang pinasok at hinalughog ng militar para maghanap ng “ebidensiya” ng pagsuporta ng mga masa sa BHB at rebolusyonaryong kilusan. Tuwirang paglabag ito sa karapatan ng mamamayan dahil wala naman silang ipinakitang legal na batayan o search warrant para sa kanilang pamemerwisyo. Malaking pinsala rin ang idinulot ng mga ito sa kabuhayan ng masa sa ilang araw na paggalugad ng mga ito sa erya. Hindi malayang nagampanan ng masa ang kanilang pang-araw-araw na gawain sa produksyon dahil sa takot na mapagbuntunan ng galit ng pagod na tropang militar. Maging ang taunang masaya sanang selebrasyon ng araw ng pagtatapos sa ilang eskwelahan ay naantala ng ilang oras at binalot ng pangamba.
Para pagtakpan ang kanilang kabiguan, napilitang magIubid ng kasinungalingan ang mga militar. Itinago ng mga ito ang tunay na bilang ng kanilang ka-tropang namatay at nasugatan. Ayon pa sa kanila, nawawala at pinaghihinalaan nilang dinukot ang dalawa nilang kasamahan na sina Pfc. Erwin Talla at Gilbena Mechica. Pero ayon sa mga nakasaksi kagyat matapos ang pangyayari, dalawang bangkay ang nakitang nakabulagta sa kalsada. May ilang masa rin ang nakapagkwento na may anim na sundalo ang ipinasok sa provincial hospital ng Masbate na kaagad rin namang inilipat sa Legaspi City.
Walang nabihag ang BHB-JRC. Namatay sa pagsabog ng kanilang sasakyan ang dalawang sundalong iniuulat nilang nawawala at dinukot. Ayaw nilang aminin na ang kanilang operasyon ay umani ng kabiguan at demoralisasyon sa kanilang hanay.
Waring mga torong umuusok ang ilong ng mga pasista matapos ang pangyayari. Sa itinayo nilang tsekpoynt malapit sa pinag-ambusan, habang nagpakaamba ang kanilang mga sandata, isa-isa nilang pinatigil ang mga sibilyan at pilit na siniyasat. Ilang sibilyan ang hindi nagawang tumigil sa tsekpoynt dahil sa takot. Kapalit nito, nabugbog, kinulata at dinitine ang mga ito. Samantala, pinagpipilitan rin nilang may dalang kalibre .38 si Dong Dong Condor, isang sibilyang naka-motorsiklo, kaya nila ito hinuli. Pinalalabas nilang maaring kasamahan rin ng BHB-JRC si Dong Dong.
Pwersahang pinasok at hinalughog nang walang search warrant rin ang ilang kabahayang nakapalibot malapit sa tinambangan. Ikinalat ang mga kagamitan, isinabog ang mga bigas, mais at iba pang pagkain mula sa mga lalagyan sa paghanap ng ebidensya.
Nasa likod ng operasyong militar ang pagkukumahog ng military na abutin ang kanilang misyon ng paglusaw sa rebolusyonaryong kilusan sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Maliban sa layuning guluhin ang pagdiriwang ng ika-45 na anibersaryo ng pagkakatatag ng BHB, ginamit rin ng mga palalong sundalo ang kanilang pagkilos para ikintal sa masa na kaya nilang gamitin ang mabangis na mukha ng estado. Lantarang ipinakita ng mga ito na hindi nauuna para sa kanila ang kapakanan ng masa, kasabay nito, tuluy-tuloy ang pagpapalipad ng eroplano ng Filminera Resource Corporation sa pagsarvey ng yamang mineral ng Masbate.
Ang mga Masbatenyo, kasama ang sambayanang Pilipino ay dapat magkaisa`t labanan ang pagyurak sa kanilang mga karapatan ng mga bayarang abusadong sundalo. Sandigan ang BHB ng mamamayang inaapi at lumalaban. Hindi matitinag at patuloy na lumalakas ang BHB anumang oplan ang kanilang subukan dahil sa patuloy na suporta ng mamamayan. Patuloy na ipaglalaban ng BHB ang mga demokratikong karapatan at kaligtasan ng mamamayan laban sa militarisasyon at mga abusong kaakibat nito.
Mabuhay ang ika-45 Anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan!
Lumahok sa digma ng pagpapalaya!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140403_pasistang-terorismo-ng-afp-hindi-nakaligtas-sa-bomba-ng-bhb-masbate