Quantcast
Channel: Key Philippine Military and Insurgency-Related Events
Viewing all articles
Browse latest Browse all 71157

CPP/NPA: 54th IB, binigwasan ng BHB sa Ifugao!

$
0
0
NPA propaganda statement posted to the CPP Website (Mar 21): 54th IB, binigwasan ng BHB sa Ifugao!

Logo.bhb
Wigan Moncontad
Spokesperson
NPA Ifugao Provincial Operations Command (Nona del Rosario Command)
 
Inisnayp ng isang yunit ng Nona del Rosario Command New People’s Army (NPA) -Ifugao ang tropa ng 54th Infantry Batallion habang ito ay nagsasagawa ng combat operations sa Barangay Camandag, Asipulo, Ifugao noong Marso 21, 2014.

Dalawa ang sugatan sa kaaway habang ligtas namang nakaatras ang mga Pulang Mandirigma.

Ito’y bahagi ng pamamarusa ng Bagong Hukbong Bayan sa berdugong 54th IB sa sunud-sunod na paglabag ng karapatang pantao at paghahasik ng takot sa hanay ng mamamayan ng Ifugao.

Isa na rito ang pananalakay ng mga tropa nito sa Sitio Hikot, Barangay Camandag, Asipulo noong Oktubre 20, 2013 habang nasa loob ng barrio ang mga Pulang Mandirigma. Walang pagsasaalang-alang sa buhay ng mga masa na nasa barrio, sunud-sunod na nagpaputok ng baril at machine gun ang tropa ng 54th IB na nagdulot ng labis na takot sa mga masa. Walang ding pakundangan na sinira ng nanalakay na militar ang pananim ng masa sa kanilang mga payaw (bukirin). Patuloy din ang pagkakampo ng 54th IB sa mga eskwelahan, health center at barangay hall. Ang mga nabanggit ay lantarang paglabag sa Comprehensive Agreement on Respect of Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

“Ito ay umpisa lamang ng ating pagbigwas at pagpapanagot sa berdugong hukbo ng mapagsamantalang-uri. Ito rin ay isang hamon upang palakasin ang pagkakaisa at paglaban ng hukbo at mamamayan para sa tunay at ganap panlipunang pagbabago,” ani ni Ka Wigan Moncontad, tagapagsalita ng Nona del Rosario Command, NPA-Ifugao.

http://www.philippinerevolution.net/statements/20140321_54th-ib-binigwasan-ng-bhb-sa-ifugao

Viewing all articles
Browse latest Browse all 71157

Trending Articles