NDF propaganda statement posted to the CPP Website (Mar 13): Pahayag ng Rehiyong Bikol sa ika-45 taong Anibersaryo ng Partido Komunista Ng Pilipinas (StatementofBicolRegionon the 45thyearanniversaryofthe CommunistPartyofthe Philippines)
Maria Roja Banua
Spokesperson
NDFP Bicol Chapter
Spokesperson
NDFP Bicol Chapter
Nagpupugay ang Partido Komunista, Bagong Hukbong Bayan at National Democratic Front ng Rehiyong Bikol kasama ang mga kasaping rebolusyonaryong organisasyon at sambayanang Bikolano sa ika-45 Anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas-Marxismo Leninismo Maoismo (PKP-MLM).
Patuloy na sumusulong ang pambansa demokratikong rebolusyon sa bansa sa ilalim ng pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas. Nanatiling matatag at lumalakas ang Partido sa ideolohiya, pulitika at organisasyon at yumayaman ang dunong mula sa 45-taong karanasan ng pakikibaka laban sa imperyalismo at lokal na reaksyon. Ang naging paglihis sa wastong pampulitikang linya ng matagalang digmang bayan noong dekada ’80 ay nagresulta ng pansamantalang pag-atras at kinailangang ilunsad pagpasok ng dekada ’90 ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto upang mapangibabawan ang mga pinsala at makabalik tungong tamang landas at muling makasulong.
Ang naging resulta ng pagbawi ay lumampas pa sa rurok na inabot noong taong 1985 sa buong bansa at sa rehiyon noong 1987. Ang malaganap at masinsing pakikidigmang gerilya sa mas malawak at malalim na baseng masa ay nagbunga ng paglakas ng pwersa at mga karagdagang larangang gerilya na siya ngayong tuntungan sa pagpaunlad sa hinog na subyugto ng estratehikong depensiba at tumanaw sa estratehikong pagkapatas.
Buong-tatag na nag-aambag ang rehiyong Bikol sa kabuuang pambansang pagsisikap na ito para sa kabuuang pagsulong. Buong-sikap nitong inihahanda ang mga rekisitos para sa lahatang panig na pag-unlad upang abutin ang huling yugto ng estratehikong depensiba. Umaabot na sa mahigit sampung libo ang mga kasapi ng Partido na mas masikhay at patuloy na nag-aaral sa MLM bilang teoretikal na pundasyon sa pagsusulong ng digmang bayan. Aabutin sa ilang daang libo ang baseng masang tumatangkilik sa pamumuno ng Partido at nag-aambag at nagpapaunlad ng kanilang kakayanan para sa ibayong pagsulong ng ating digma. Masigla ang mga gawain sa pagsisinop ng pagpapatupad ng programa sa rebolusyong agraryo at isinusulong ang iba’t-ibang tipo ng kooperasyon sa produksyon para sa sariling pangangailangan at suporta sa armadong pakikibaka ng mga ganap na samahang masa. Katulad ng maraming malalaking lupain sa mainland ng Bikol, naisasakatuparan sa Masbate ang maksimum na programa ng pamamahagi sa lupa at umaani ng paglakas ng Hukbo, paglawak ng baseng masa at pagdami ng kasapian ng Partido sa masang magsasaka.
Patuloy ang paglawak ng kasapian ng mga magigiting na pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa higit sa sampung larangang gerilya at sinusuportahan ng libu-libong kasapi ng mga yunit milisya at yunit pandepensa sa baryo. Binigo ng BHB sa rehiyon ang mga Oplan ng pagkubkob at paglipol ng AFP mula panahon ng diktadurang Marcos at sa mga pumalit na reaksyunaryong papet na rehimen hanggang kay Noynoy Aquino. Patuloy ang pagbigay-dagok ng Bagong Hukbong Bayan sa mga pwersang militar ng kaaway sa ilang matatagumpay na opensiba at kontra-depensiba nitong nakaraan sa mga labanan tulad ng nangyari sa Irosin, Sorsogon noong June 11, 2013, reyd sa Maot, Labo, Camarines Norte, ambus sa Presentacion at ambus sa Camalig, Albay, noong Mayo 2013 kakumbina ng maliliit na taktikal na opensiba, aksyong atritibo at pamamarusa sa may kasalanan sa mamamayan.
Mulat ang mga pulang mandirigma sa mahigpit na ugnayan ng pagbubuo at pagpapatatag ng baseng masa, rebolusyong agraryo at pagsusulong ng armadong rebolusyon sa mga larangang gerilya. Ito rin ang nagpapasulpot ng maraming milisyang bayan, aktibistang masa at pangmasang kasapian ng Partido. Lumalahok ang hukbo sa gawaing produksyon, pangkultura at iba pang serbisyong pampamayanan at higit na naghihinang ng relasyon ng Partido at Hukbo sa masa.
Bagamat nagdulot ng pinsala sa ilang probinsya at ilang nangungunang kadre ang kampanya ng kaaway sa Oplan Bayanihan sa rehiyon dulot ng ilang kahinaan sa manera at pagbabase, ay masasabing malaking tagumpay pa rin na bigo ang kampanya ng kaaway na wasakin ang rebolusyonaryong kilusan at mamamayan sa rehiyon.
Nanatili ang mahigit sa sampung larangang gerilya na maaaring umabot sa dalawampu sa loob lamang ng ilang madaling taon. Tuluy-tuloy ang naging paglawak sa mga isla ng Masbate at Catanduanes at pagsinsin ng mga larangang gerilya sa Sorsogon at Camarines Sur. Kasinungalingan ang mga pinalalabas na mababang estadistika ng kaaway hinggil sa papahinang kalagayan ng NPA at rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon. Wala ni isa mang larangang gerilya ang nawasak maging sa Albay na hindi binibitiwan ng operasyong militar at masinsing posisyon ng mga kampong militar at detatsment ng mga CAFGU taliwas sa ipinagyayabang ng 9th ID.
Nabigwasan ng kilusang masa sa rehiyon ang US-RP Balikatan, Oplan Bayanihan, Pork Barrel, Eleksyon, Pagtaas ng Presyo ng Langis at mga sektoral na isyu tulad ng Coco Levy, Anti-GMO, at iba pang anti-mamamayang patakaran at programa ng papet na rehimeng Benigno Aquino III at imperyalismong Estados Unidos. Ang ligal at demokratikong pakikibaka sa kalunsuran at hayag na pakikibakang magsasaka sa mga kapatagan ng Bikol ay nagpapalawak ng mga aktibista at naglalatag ng malawak na kasapian ng Partido sa puting-purok.
Ang patuloy na pagsulong sa loob ng 45 taon ng Pambansa Demokratikong Rebolusyon ay kumpirmasyon na makakamtan natin ang tagumpay sa kagyat na hinaharap. Ang PKP, BHB, NDFP-Bikol ay kumpyansadong maaabot ang hangaring ito dahil sa pag-ani ng mga tagumpay sa maraming larangan at sonang gerilya sa kanayunan ng rehiyon at bansa. Naninindigan ang PKP-Rehiyong Bikol sa kanyang tungkulin na gawin ang ubos kayang pagtupad sa mahahalagang tungkulin at panawagan ng pambansang pamunuan sa taong 2014 at para sa mga susunod pang mga taong paglarga ng digmang bayan nang may lipos na determinasyon at lubos na kasiglahan.
Tiyak na matatamo ang tagumpay sa wastong pamumuno ng PKP-MLM. Ang pangdaigdigang krisis ng imperyalismo at ang resultang pagsuray ng sistemang panglipunan sa bansa ang siyang pumapaypay sa galit ng mamamayang higit na lugmok sa kaapihan at kahirapan. Ang pagkilos at pagsulong ng milyun-milyong mamamayan na masikhay na nagtatatag ng mga gobyernong bayan sa buong bansa at ang paglakas ng mga pwersang dudurog sa mga armadong pwersa ng papet na republika kasabay ng amo nitong imperyalismong Estados Unidos ang nagbibigay ng buong kumpyansa sa rebolusyonaryong kilusan at sambayanan sa pagsulong tungo sa ganap na tagumpay.
Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas-Marxismo Leninismo Maoismo sa ika-45 Anibersaryo!
Mabuhay ang Demokratikong Rebolusyon ng Bayan!
http://www.philippinerevolution.net/statements/20140313_pahayag-ng-rehiyong-bikol-sa-ika-45-taong-anibersaryo-ng-partido-komunista-ng-pilipinas