From the Mindanao Examiner blog site (Feb 26): 2 NPAs sumuko sa Compostela Valley (2 NPAs surrender in Compostela Valley)
Dalawang miyembro ng rebeldeng New People’s Army ang sumuko sa militar sa bayan ng Maragusan sa Compostela Valley province sa Mindanao.
Kinilala naman ni Capt. Alberto Caber, ang spokesman ng Eastern Mindanao Command, ang mga sumuko na sina Efraim Manlitok Pinanggot alias Jonnel, ang tumatayong chairman ng Sitio Lumad; at Jovanie Olmido Atabay alias Ban-Ban.
Kusang-loob umano ang pagsuko ng dalawa sa 28th Infantry Battalion sa Barangay Langgawisan. Inilagay sa isang ‘tactical interrogation’ ang dalawang rebelde, ayon kay Caber.
Nauna ng hinimok ni Eastern Mindanao Command chief Gen. Ricardo Rianier Cruz III ang mga rebelde na sumuko na lamang sa halip na makipaglaban sa pamahalaan upang sila’y makapamuhay ng payapa kasama ang mga mahal sa buhay.
http://mindanaoexaminer.blogspot.com/2014/02/2-npas-sumuko-sa-compostela-valley.html