Quantcast
Channel: Key Philippine Military and Insurgency-Related Events
Viewing all articles
Browse latest Browse all 71157

CPP/NPA: Dapat kundenahin at labanan ng mamamayang Masbatenyo ang mapanlinlang na sabwatan ng Filminera Mining Corporation–9th ID Philippine Army–PNP Masbate upang higit pang dambungin ang mga yamang mineral ng probinsya

$
0
0
Posted to the CPP Website (Feb 2): Dapat kundenahin at labanan ng mamamayang Masbatenyo ang mapanlinlang na sabwatan ng Filminera Mining Corporation–9th ID Philippine Army–PNP Masbate upang higit pang dambungin ang mga yamang mineral ng probinsya (The Masbatenyo people should condemn and fight against thefraudulentconspiracy of the FilmineraMiningCorporation,9thIDPhilippineArmy, and the PNPMasbateto furtherplunder themineral resourcesof theprovince)
Logo.bhb
Luz del Mar
Spokesperson
NPA Masbate Provincial Operations Command (Jose Rapsing Command)
 
Pilit na nagbibihis-banal ang mga kaaway ng mamamayan sa kanilang pakanang magsagawa ng misa ang mga sundalong pari ng 9th ID Philippine Army sa mga barangay. Kakumbina ng mga nasabing ilulunsad na misa ang armadong pagsalakay ng mga militar at pulis sa mga taumbaryo, na ang ultimong layunin ay ang hawanin ang daan para sa higit pang pagkulimbat ng Filminera Mining Corporation sa yamang mineral ng Masbate na dapat sana ay para sa pakinabang ng mamamayan. Binabalak ng sabwatang Filminera Mining Corporation–9th ID Philippine Army–PNP Masbate na isagawa ang mga misa panimula sa ikatlong distrito, na sa kalaunan ay sasaklaw na sa natitira pang mga bahagi ng probinsya.
Tatangkain ng mga isasagawang misa sa mga baryo na pagmukhaing mababait at maka-Diyos ang mga sundalo’t pulis, at pagtakpan ang ginawang mala-halimaw na pagwasak ng Filminera Mining Corporation sa mahigit walong libong ektarya ng kalupaan sa bayan ng Aroroy. Ngunit sa katunayan, sa likod ng maskara ng kabanalan ay ang pag-agaw sa lupa ng mga magsasaka na kanilang napagtagumpayan sa matagal na panahong pagbuwis ng pawis at dugo.
Ito ang mukha ng Oplan Bayanihan sa Masbate. Ang panlilinlang ay isasakatuparan ng mga sundalong pari, at ang armadong pagsalakay naman ay isasagawa ng mga Division Recon Coy at mga pwersang panagupa ng PNP. Samantala, tuloy-tuloy naman ang paniniktik laban sa rebolusyonaryong kilusan ng mamamayan. Gagamitin din ang iba pang ahensya ng pamahalaan, katulad ng DepEd at mga LGU, upang katulungin sa pagkuha ng impormasyon laban sa mamamayang lumalaban at pagpapakalat ng mga kasinungalingan. Katulad ng intensyon sa buong bansa, layunin ng Oplan Bayanihan na hadlangan ang pag-abante ng pagrerebolusyon ng mamamayan, at bigyang daan ang buwelong pagsasamantala ng malalaking kapitalista.
Nanganganib kung gayon ang buhay at kabuhayan ng mamamayan. Nananawagan ang Jose Rapsing Command sa mamamayang Masbatenyo na labanan ang napipintong muling pagsalakay ng Filminera Mining Corporation sa tulong ng AFP at PNP. Huwag nating hayaang muling agawin at wasakin ang ating mga kalupaan, kamkamin ang ating yamang mineral, lasunin ang ating mga tubig, at patayin ang ating yamang dagat. Huwag tayong pumayag na muling supilin ang ating mga karapatan sa buhay at kabuhayan, at paslangin ang ating mga kapamilya at kaibigan. Labanan din natin ang panunuhol at mga pangako ng pekeng pag-unlad.
Nananawagan din ang Jose Rapsing Command sa mga upisyal ng pamprubinsyang gubyerno, mula sa gobernadora hanggang sa mga barangay kapitan, na manindigan sa panig ng mamamayan at huwag pahintulutan ang ibayo pang pananalasa ng Filminera Mining Corporation. Gayundin, hinihikayat namin ang mga taong-Simbahan, mga propesyunal, at yaong mabubuting alagad ng masmidya, na itakwil ang tusong paggamit ng AFP-PNP sa mga misa upang isulong ang mapagsamantalang interes ng Filminera Mining Corporation.
Hindi kailanman mapagmumukhang-banal ng mga isasagawang misa ang kabuktutan ng Filminera Mining Corporation at ng mga tagapagtanggol nitong AFP-PNP. At ang pag-unlad ng probinsya ay hindi makakamit sa pandarambong at militarisasyon. Sa kabilang banda, tanging sa pagtataguyod sa demokratikong rebolusyong bayan maitatayo ang isang tunay na lipunang maunlad at makatarungan, at ang mamamayan ang siyang tunay na nagtatamasa sa yaman ng bansa.

http://www.philippinerevolution.net/statements/20140202_dapat-kundenahin-at-labanan-ng-mamamayang-masbatenyo-ang-mapanlinlang-na-sabwatan-ng-filminera-mining-corporation-9th-id-philippine-army-pnp-masbate-upang-higit-pang-dambungin-ang-mga-yamang-mineral-ng-probinsya

Viewing all articles
Browse latest Browse all 71157

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>