Quantcast
Channel: Key Philippine Military and Insurgency-Related Events
Viewing all articles
Browse latest Browse all 71157

CPP/NDF: Kabataan, itakwil ang rehimeng US-Aquino at ibagsak ang bulok na sistema (Youth, reject the US-Aquino regime and overthrow the corrupt system)

$
0
0
Posted to the CPP Website (Nov 30): Kabataan, itakwil ang rehimeng US-Aquino at ibagsak ang bulok na sistema (Youth, rejectthe US-Aquino regime andoverthrowthecorruptsystem)

Logo.km

Ma. Laya Guerrero
Spokesperson
Kabataang Makabayan

Thumbnail

[Video: KABATAANG MAKABAYAN: Lightning Rally, Nov 28, 2013, Manila
Sa lungsod at kanayunan at saanmang sulok ng bansa, ipinagdiriwang natin ngayon ang ika-49 na taon ng pagkakatatag ng rebolusyonaryong Kabataang Makabayan (KM), kasabay pagdiriwang ng ika-150 kaarawan ni Andres Bonifacio, dakilang lider ng Katipunan at Rebolusyong Pilipino ng 1896.

Pinagpupugayan natin ang mga kasapi at lider ng bawat balangay ng KM at sumasaludo sa paglalaan ng araw na ito sa mga paggunita at pagpupugay hindi lamang sa KM kundi maging kay kay Andres Bonifacio, sa ibat ibang paraan mula sa paglulunsad ng mga pulong-pagaaral hinggil sa rebolusyon at lipunang Pilipino, mga pangkulturang pagtatanghal at pagdiriwang, raling-iglap, operation pinta at operation dikit at iba pa.

Kasama sa ating mga aktibidad ang pagaalay ng parangal sa mga martir ng KM at pambansa demokratikong pakikibaka, sa kanilang maningning na ambag na patuloy na inspirasyon sa atin sa pagsusulong ng digmang bayan. Ibinubudyong natin sa araw na ito ang nagpapatuloy na demokratikong rebolusyong bayan na hindi natapos ng Rebolusyong 1896.

Matapos lumaya sa kuko ng kolonyalismong Espanyol, ang Estados Unidos ay lumusob at sumakop sa atin na kumitil sa batang republika ng Pilipinas at pumatay sa mahigit isang milyong Pilipino.

Nagpapatuloy ang hindi direkta o neokolonyal na paghahari ang Amerika sa lahat ng aspeto ng lipunang Pilipino. Nagdidikta ito sa lahat ng patakaran ng reaksyonaryong gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ng mga papet na rehimen na naluklok sa poder mula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at pinangungunahan ni B.S. Aquino sa ngayon.

Ipinagkakait ng imperyalistang Estados Unidos sa pamamagitan ng papet na gobyerno at mga lokal na naghaharing uring panginoong-maylupa at malalaking komprador ang katarungang panlipunan, tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon sa mamamayang Pilipino.

Kaya higit kailanman, kailangang padagundungin ang mensahe na nagpapatuloy at ibayong sumusulong ang rebolusyong Pilipinong pambansa demokratiko, at may sosyalistang perspektiba sa pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas. Mula pa sa aral na ipinamana nina Andres Bonifacio, isinisiwalat nito na armadong lakas at paglaban ng mamamayan lamang ang magtitiyak na makakamtan ang pambansang kalayaan at demokrasya.

Labanan ang papet, kriminal at anti-mamamayang gobyernong Aquino

Sa gitna ng kalamidad na mga nagdaan, napatunayan ng sambayanan na hindi kailanman magkakalinga ang rehimeng US-Aquino sa mga kababayan nating hinagupit ng Yolanda at iba pang sakuna. Higit sa 10 milyong mamamayan ang nakababatid nito ng pinagtiis sila sa gutom, uhaw at pagtangis sa delubyong dala ng Yolanda at ng kriminal na kapabayaan ni Aquino bago at matapos ang bagyo.

Ilang milyong mamayang Moro at mamayan sa kanayunan ang tuwirang nakakaalam sa teror at pananalasa sa karapatang pantao ng rehimeng Aquino sa todo-giyera nitong pagwasiwas ng kontra-rebolusyonaryong panunupil sa ilalim ng Oplan Bayanihan?

Ang mga kabataan ay napupoot sa katiwalian ng gobyerno at lansakang pagnanakaw sa gitna ng malawak na kahirapan at pagdurusa ng mamamayan, sa pagkapapet at pagsuko sa pambansang dignidad sa imperyalistang US na amo nito. Napopoot ang kabataang Pilipino sa pagyurak ng gobyernong Aquino sa karapatang magtamasa ng kabataan at mamamayang Pilipino ng edukasyon at serbisyong sosyal tulad ng serbisyo sa kalusugan at paninirahan.

Imbes, patuloy ang pagtatanggol ni Aquino at kanyang mga alyado sa PDAF, DAP at inilulusot ang mga kontratang pagkakakitaan niya at iba pang anyo ng pagnanakaw sa kabang-bayan. Binabarat at sinasagad pababa ang sahod ng mga manggagawa, pinapalayas at marahas na dinidemolis ang kabahayan at kabuhayan ng maralitang lungsod, kinakamkam ang lupain ng mga magsasaka upang bigyang katiyakan ang super-tubo ng mga malalaking dayuhang kapitalista, mga lokal na komprador at panginoong maylupa, at mga kaanak at kroni ni Aquino.

Halimaw ang rehimeng Aquino at ang mga galamay nito ay pahirap at nakalingkis na sumasaid sa dugo ng mamamayang Pilipino.

Kabataan, kumilos at magbalikwas laban sa bulok na sistema

Sa gitna ng pagdalamhati at galit dahil sa malawakang pinsala at pagkitil ng buhay ng mga kababayan natin sa mga kalamidad, itaas natin ang kapasyahang labanan ang magnanakaw, kontra-mamamayan at papet ng US na gobyernong Aquino.

Nararanasan natin ang mas matinding hagupit ng rehimeng US-Aquino. Ang kolektibong paglaban ang pinakamaasahang pansalag sa delubyong hatid nito. Kailangang ang bawat kabataang makabayan ay magkaisa at pagibayuhin ang pagmumulat, pago-organisa at pagpapakilos laban sa rehimeng US-Aquino at bulok na sistemang panlipunan.

Kailangang isiwalat ang totoong aping kalagayan ng sambayanang Pilipino sa kuko ng imperyalismo, burukrata-kapitalismo at pyudalismo at ang papel ng kasalukuyang rehimeng US-Aquino sa pagpapanatili nito. Kailangang ipalaganap na ang tanging daan para maibsan at wakasan ang malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino ay sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan na may sosyalistang hinaharap. Sa gabay ng Partido Komunista ng Pilipinas, isinusulong natin ang pagtataas ng digmang bayan sa antas ng pagkakapatas sa reaksyunaryong lakas ng estado.

Tungkulin ng rebolusyonaryong kilusang kabataan estudyante na itayo at magambag para palakasin ang daan-daang pambansa demokratiko at progresibong mga organisasyon ng kabataan at mga aping sektor at uri. Sila ay dapat magaabot sa mas malawak na mamamayan para kumilos at silaban ang pagaalsang bayan laban sa naghaharing rehimeng US-Aquino at bulok na malakolonyal at malapyudal na sistema.
Kailangang magsikhay ang KM sa pagpapalawak at pagbubuo ng pinakamaraming balangay. Itransporma natin ang mga KM bilang sirkulo ng mga pagaaral sa lipunan at rebolusyong Pilipino at mga dakilang aral ng Marxismo, Leninismo at Maoismo.

Ibandila natin ang demokratikong rebolusyong bayan sa lahat ng pagkakataon at pagpopropaganda sa masa. Ipalaganap natin ang Kampanyang Ka Roger Enlistment at laksang pag-ambag sa kanayunan at pagpasapi sa ating Bagong Hukbong Bayan.
Laksang pagkaisahin at kolektibong pakilusin ang kabataan at mamamayan para sa rebolusyonaryong pagbabago. Ang kinikimkim na galit ng kabataang Pilipino at sambayanan, ay nararapat na kolektibong itransporma sa organisado at tuloy-tuloy at papalaking mga pagkilos. Ang pagsambulat nito ay makapangyarihang unos pampulitikang yayanig sa reaksyunaryo pangkating US-Aquino at sa bulok na sistemang ipinagtatanggol nito.

At tulad ng makasaysayang papel ng kabataan, nanawagan ang KM na maglingkod at sumanib ang kabataang Pilipino sa kanayunan at sa armadong hukbo ng mamamayan. Nanawagan ang KM sa kabataang Pilipino na mag-ambag ng talino at lakas para sa pagtatayo ng muog ng rebolusyon sa kanayunan at binhi ng gobyerno ng mamamayan, sa pagsusulong ng tunay repormang agraryo, at pagsanib sa tunay na hukbo ng sambayanan, ang Bagong Hukbong Bayan.

Tapos na ang panahon na tayo ay tinatakot lamang ng kasalukuyang mapang-aping sistema ay magdudulot ng kawalang pag-asa at katiyakan ng kinabukasan ng kabataang Pilipino at sambayanan. Itransporma ang poot sa kolektibong pagkilos! Tanging sa pakikibaka ang pag-asa! Kabataang Pilipino, imulat ang kaisipan, paglingkuran ang aping sambayanan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang ika-49 anibersaryo ng Kabataang Makabayan!
Mabuhay ang demokratikong rebolusyong bayan sa pamumuno ng PKP!
Ibagsak ang bulok na sistema sa ilalim ng imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo!
Kabataang Pilipino, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!
Mabuhay ang CPP-NPA-NDFP!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 71157

Trending Articles



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>